
Mga Panuntunan ng Reddit
- Tagalog
- Bahasa Melayu - Malaysia
- Čeština – Česká republika
- Dansk - Danmark
- Deutsch – Deutschland
- English
- Español - España
- Español - México
- Français - France
- Italiano - Italia
- Magyar – Magyarország
- Nederlands - Nederland
- Norwegian Bokmal
- Polski (Polska)
- Português - Brasil
- Português - Portugal
- Română - România
- Suomi – Suomi
- Svenska – Sverige
- Tiếng Việt - Việt Nam
- Türkçe - Türkiye
- Ελληνικά - Ελλάδα
- Русский — Россия
- Српски – Србија
- Українська — Україна
- हिंदी भारत
- বাংলা
- ไทย
- 한국어 - 대한민국
- 中文 - 繁體
- 日本語 - 日本
- 简体中文
Ang Reddit ay malawak na network ng mga community na ginawa, pinatatakbo, at pinupuno ninyo, ang mga user ng Reddit.
Sa pamamagitan ng mga community na ito, puwede kang mag-post, mag-comment, mag-vote, makipag-usap, matuto, makipagdebate, sumuporta, at kumonekta sa mga taong pareho ang mga interes sa iyo, at hinihikayat ka naming hanapin—o kahit gawin—ang tahanan mo sa Reddit.
Bagaman maaaring hindi lahat ng community ay para sa iyo (at posibleng hindi nakaka-relate o mapanakit pa nga ang iba para sa iyo), walang kahit anong community ang dapat gamitin bilang sandata. Dapat gumawa ng pakiramdam ng pakikisama ang mga community para sa mga member nila, hindi subukang bawasan ito para sa iba. Gayundin, dapat maasahan ng lahat ng nasa Reddit ang privacy at kaligtasan, kaya igalang ang privacy at kaligtasan ng iba.
Bawat community sa Reddit ay binibigyang-kahulugan ng mga user nito. Ilan sa mga user na ito ang tumutulong sa pag-manage ng community bilang mga moderator. Ang kultura ng bawat community ay tahasang hinuhubog ng mga panuntunan ng community na ipinapatupad ng mga moderator, at nang hindi tahasan, sa pamamagitan ng mga upvote, downvotes, at pag-uusap ng mga member ng community. Sumunod sa mga panuntunan ng mga community kung saan ka lumalahok at huwag manggulo sa mga community kung saan hindi ka member.
Sa ibaba ng mga panuntunang namamahala sa bawat community ay ang mga panuntunan sa buong platform na nalalapat sa lahat ng nasa Reddit. Mga panuntunan itong ipinapatupad namin, ang mga admin.
Ang Reddit at mga community nito ay katumbas lang ng pagpapakahulugan natin dito, at narito lang ito kung kikilos tayo nang naaayon sa isang ibinabahaging set ng mga panuntunan. Hinihiling namin na sundin mo hindi lang ang titik ng mga panuntunang ito, kundi sa diwa na rin.
Mga Panuntunan
Panuntunan 1
Tandaan ang tao. Ang Reddit ay lugar para sa paggawa ng community at pakikisama, hindi para sa pag-atake sa mga marginalized o mahinang grupo ng mga tao. Lahat ng tao ay may karapatang gamitin ang Reddit nang malaya sa pangha-harass, pambu-bully, at mga banta ng karahasan. Iba-ban ang mga community at user na humihimok sa karahasan o nagpo-promote ng pagkapoot batay sa pagkakakilanlan o kahinaan.
Panuntunan 2
Sumunod sa mga panuntunan ng community. Authentic na lumahok sa mga komunidad kung saan may personal na interes ka, at huwag mang-spam o makibahagi sa mga nakakasagabal na gawi (kabilang ang pagmanipula ng content) na nakakaabala sa mga community ng Reddit.
Panuntunan 3
Igalang ang privacy ng iba. Hindi pinapayagan ang pagpapasimuno ng pangha-harass, halimbawa, sa pamamagitan ng pagbubunyag ng personal o kumpidensyal na impormasyon ng isang tao. Huwag kailanman mag-post o magbantang mag-post ng maselan o may sekswal na kahalayang media ng isang tao nang walang pahintulot niya.
Panuntunan 4
Huwag ibahagi o hikayatin ang pagbabahagi ng sekswal, mapang-abuso, o sekswal na nagpapahiwatig na content na kinasasangkutan ng mga menor de edad. Mahigpit ding ipinagbabawal ang anumang predatory o hindi naaangkop na pag-uugali kaugnay ang isang menor de edad.
Panuntunan 5
Maging authentic. Hindi mo kailangang gamitin ang tunay mong pangalan, pero huwag sadyaing manloko ng iba o manggaya ng isang indibidwal o entity sa mapanlinlang na paraan.
Panuntunan 6
Tiyakin na magkakaroon ang mga tao ng maaasahang karanasan sa Reddit sa pamamagitan ng wastong paglalagay ng label sa content at mga community, partikular na sa content na graphic, may sekswal na kahalayan, o mapanakit.
Panuntunan 7
Gawin ito nang legal. Huwag mag-post ng ilegal na content, at huwag humiling o mangasiwa ng mga ilegal o ipinagbabawal na transaksyon.
Panuntunan 8
Huwag sirain ang site o gumawa ng kahit anong makakagulo sa normal na paggamit ng Reddit.
Pagpapatupad
May iba't ibang paraan kami ng pagpapatupad sa aming mga panuntunan, kabilang ang, pero hindi limitado sa
- Mabait na pagsabi sa iyong tumigil
- Hindi gaanong mabait na pagsabi sa iyo
- Pansamantala o permanenteng pagsuspinde ng mga account
- Pag-aalis ng mga pribilehiyo o pagdaragdag ng mga paghihigpit sa mga account
- Pagdaragdag ng mga paghihigpit sa mga community ng Reddit, tulad ng pagdaragdag ng mga tag na 18+ o Pag-quarantine
- Pag-aalis ng content
- Pag-ban ng mga community sa Reddit